Bilang ng mga pasaherong dumadagsa sa NAIA terminals, bahagya lamang ang itinaas

Apat na porsyento lamang ang itinaas sa bilang ng mga pasahero sa arrival at departure flights sa naia terminals ngayong Christmas Season.

Ayon sa Manila International Airport Authority o MIAA, bahagya lamang ang itinaas sa bilang ng mga pasahero kumpara noong nakataang taon.

Inaasahan naman ng miaa na sa biyernes ay mas tataas ang volume ng mga pasahero sa naia terminals dahil sa long weekend hanggang sa Miyerkules o January 1.


Una nang inihayag ng Civil Aviation Authority of The Philippines (CAAP) na tinatayang 2.4-million na mga pasahero sa international at domestic flights ang dadagsa ngayong holiday season sa mga paliparan.

Facebook Comments