Inaasahan na ng Bureau of Immigration (BI) ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga pasaherong dumadating sa bansa sa harap ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa records ng BI, 3.5 million na pasahero lamang ang pumasok sa bansa mula January hanggang September ng taong ito.
Ito ay taliwas sa 13 million na arrivals ng pasahero sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.
Lumalabas din na nitong Enero 1.7 million ang arrivals at pagdating ng Marso ay bumagsak 500,000 hanggang sa 25,000 na lamang nitong April.
Sa harap na rin ito ng travel restrictions na pinatutupad ng gobyerno ng Pilipinas at ng maraming bansa dahil sa pandemic.
Facebook Comments