Bilang ng mga pasaherong dumagsa sa PITX simula kahapon, pumalo na sa mahigit 200K

Unti-unti nang nararamdaman ang pagdagsa ng mga pasaherong gumagamit ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Sa inilabas na datos ng pamunuan ng terminal, pumalo sa 188,624 ang bilang ng mga mananakay na gumamit ng terminal.

Habang kaninang alas-6 ng umaga ay umabot na sa 16,252 ang bilang ng mga biyahero na nagtungo na sa terminal.

Ayon kay Kolyn Calbasa, Senior Corporate Affairs Officer ng PITX, bagama’t may ilang bus na ang fully booked, may ilang bus company pa rin ang bumabiyahe pa-Bicol.

Tiniyak din nito na wala dapat ikabahala ang mga mananakay dahil may mga biyaheng nakaalalay sa mga babiyahe ngayong Undas.

Sa ngayon, inaasahan na mas tataas pa ang bilang ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga lalawigan na asahan pa hanggang November 5.

Samantala, mahigpit naman na seguridad ang ginagawang pagbabantay ng mga personnel ng terminal, kung saan mabusising tinitingnan ang mga bagahe at mga bag ng mga pasahero para sa maayos at ligtas na biyahe ngayong Undas.

Facebook Comments