
Umabot na sa halos 50,000 ang bilang ng mga mananakay sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong umaga.
Ayon kay PITX Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, asahan pa na mas madaragdagan ang bilang na ito hanggang mamaya.
Kahit pa simula Lunes ay dagsa na ang mga biyahero, inaasahan pa rin ang pagdami ng mga pasahero hanggang October 31, araw ng Biyernes.
Inabisuhan naman ng PITX ang lahat ng pasahero na magtungo nang maaga sa terminal upang hindi maabala at kumuha na rin ng tiket nang mas maaga.
Mula Lunes hanggang kahapon, umabot na sa 369,714 ang kabuuang bilang ng mga pasahero sa nasabing terminal.
Facebook Comments









