Manila, Philippines – Inaasahan ng Philippine Coast Guard na bababa ang bilang ng mga stranded na rolling cargoes, vessels at motorbanca dahil sa nagsisipag-uwian na ang ibang mga ito pero inaasahan naman na tataas ang bilang ng ilang mga pasahero dahil sa bagyong Salome.
Base sa huling datos ng PCG, sa Southern Tagalog mula sa 1,572 ngayon ay umaabot sa 1,750, na mga pasahero ang na-stranded at mula sa 324 na rolling cargoes ngayon ay 222, 28 naman sa vessels mula sa 26 at mula sa 21 na motorbanca ngayon ay 17 nalamang.
Sa Bicol Region naman mula sa 1,144 na mga pasahero bumaba ng 241 mula 254 na rolling cargoes 43 nalamang ngayon at mula sa 25 vessels ay 15 nalang at mula sa 8 na motorbanca ngayon ay 7 nalang na motorbanca na naistranded.
Wala ng mga pasahero, vessels, rolling cargoes at motorbanca na naistranded sa Eastern Visayas
Ayon kay PCG Spokesman Capt. Armand Balilo mula sa kabuuang 4,453; na mga pasaherong nastranded umaabot nalamang sa 1,991,mula sa 791 na rolling cargoes 265 nalamang at mula sa 56 na vessels 43 nalanh at mula sa 25 motor bancas ngayon ay 24 nalamang ang na-stranded sa mga pantalan.
Pinayuhan ni Balilo ang lahat ng PCG na tiyakinh mahigpit ang pagpapatupad ng HPCG Memorandum Circular Number 02-13 o panuntunan sa paglalayag sa mga sasakyang pandagat kapag masama ang lagay ng panahon.