Bumaba na ang bilang ng mga stranded na indibidwal ngayong araw sa mga pantalan sa Southern Tagalog dahil sa Bagyong Goring.
Batay sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 30 pasahero, truck drivers, at cargo helpers na lamang ang stranded sa mga pantalan sa Port of Looc, Port of Real, at Dinahican Port.
Nananatiling stranded ang limang bangka naman sa mga naturang pantalan habang isang barko ang kasalukuyang nakadaong.
Samantala, suspendido pa rin ang mga biyahe ng sasakyang pandagat sa Southern Luzon dahil pa rin sa epekto ng masamang panahon.
Facebook Comments