Bilang ng mga pasaherong umuuwi ng probinsya, nabawasan

Nasa 20,000 pasahero kada araw na lang ang dumadagsa sa Parañaque Intergrated Terminal Exchange (PITX) mula nang magpatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ito ay mula sa 60,000 na daily average bago magkaroon ng tinatawag na bubble sa National Capital Region (NCR) at apat pang karatig lalawigan.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PITX Head for Corporate Affairs and Government Relations Jason Salvador na malaki ang epekto ng ECQ lalo na’t unti-unti na sanang nakakabangon ang transport industry.


Kasunod nito, tiniyak naman ni Salvador na tuloy pa rin ang operasyon nila ngayong Semana Santa upang masigurong may masasakyan ang publiko lalo na ang mga frontliners.

Kanina ay nagsagawa ng inspeksiyon ang mga tauhan ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa PITX para masiguro na sumusunod ang mga pasahero at operators sa ipinatutupad na health protocols.

Samantala ayon kay Toll Regulatory Board (TRB) Spokesperson Julius Corpuz, bagama’t walang masyadong uuwi ngayon sa mga probinsiya ay naghahanda pa rin sila para sa posibleng pagdagsa ng mga motorista.

Facebook Comments