Bilang ng mga pasyente na nakarekober sa COVID-19 sa PGH, halos 5,000 na

Umaabot na sa 4,964 ang bilang ng mga COVID-19 patient na nakarekober sa Philippine General Hospital (PGH).

Bukod dito, bumaba na rin sa 246 ang bilang ng mga pasyenteng na-admit sa PGH na pawang ang lahat ay kumpirmadong kaso.

Nananatili naman sa 1,515 ang mga nasawing pasyente ng PGH dahil sa COVID-19.


Bukod dito, pumalo sa 6,764 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng nahawaan ng sakit na na-admit sa nasabing hospital.

Bagama’t patuloy na bumababa ang mga pasyenteng tinatamaan ng virus, nagpapa-alala ang PGH sa mga health worker nito na magdoble-ingat para hindi rin matamaan ng virus habang ang ibang pasyente naman ay pinapaalalahanan na sumunod sa guidelines ng health protocols upang hindi na kumalat pa ang COVID-19.

Facebook Comments