Aabot sa 195 na mga pasyente ang kasakuluyang nasa Manila COVID-19 Field Hospital matapos tamaan ng COVID-19.
Batay sa datos ng Manila Health Department, mula sa 195, karamihan sa mga pasyente ay Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa 190 ang bilang, habang 5 ay hindi OFWs.
Nabatid na 12 sa mga pasyente ay residente ng Maynila, samantalang sa iba’t-ibang lungsod at probinsiya ang 183.
114 na mga pasyenteng nasa Manila COVID-19 field Hospital ay “asymptomatic” habang 81 sa mga pasyente ay may “mild” na kaso kung saan wala naman nakakaranas ng severe o critical case.
Napag-alaman na 81 sa kanila ay fully-vaccinated; 20 ang naka-unang dose na ng bakuna pero 94 sa mga pasyente ang hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ang Manila COVID-19 Field Hospital ay mayroong higit 340-bed capacity, may mga medical personnel at libre ang serbisyo at mga gamot kaya’t sa kabila nito, patuloy ang paalala ng pamunuan ng nasabing hospital na mag-ingat anumang oras dahil hindi pa rin nawawala ang COVID-19 sa bansa.