Halos nasa 70 na ang bilang ng mga pasyente na ginagamot ngayon sa National Kidney and Transplant Institute o NKTI na tinamaan ng leptospirosis.
Ayon kay NKTI Deputy Executive director for medical services Romina Danguilan, lahat ng pasyente ay nangangailangang sumailalim sa dialysis.
Sa isinagawang press conference sa NKT, sinabi ni Danguilan na bukod sa kidney ay apektado na rin ang pancreas at maging ang atay ng mga pasyente.
Dahil sa paglobo ng bilang ng mga pasyenteng tinatamaan ng leptospirosis, naglagay na ng extension ng ward ang gym ng NKTI hospital.
Bunsod nito, nananawagan ang pamunuan ng NKTI sa Department of Health na bigyan sila ng dagdag ba 20 nurses at 10 na doctors para mabigyan ng sapat na atensyon ang patuloy na pagdami ng bilang ng mga tinatamaan ng leptospirosis.
Sa rekord ng NKTI, nagsimulang dumami ang bilang ng mga dinadalang leptos patient matapos ang mga pagbahang dulot ng bagyong carina at pinalakas ng habagat.