Bilang ng mga pasyenteng dinala sa PGH matapos malason sa lambanog, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pasyenteng isinugod sa Philippine General Hospital matapos malason sa lambanog sa Rizal, Laguna.

 

Kaninang alas dos ng hapon, umakyat sa 49 ang bilang ng mga pasyente sa PGH mula sa Laguna matapos na madagdagan ng pito.

 

Sinabi ni PGH Spokesman Dr. Jonas Del Rosario  na Sa naturang bilang, 24 ang nasa emergency room ng ospital, lima ang nasa red zone, 17 ang nasa yellow zone at may dalawa ang nasa green zone ng PGH.


 

Isa sa mga pasyenteng nasa red zone ang naka intensive care unit o ICU at patuloy na tinututukan ng mga nurse at doktor ng ospital.

 

Nauna nang sinabi ni Rizal, Laguna Mayor Vener  Muñoz na  may mga kababayan siyang nakaranas na rin ng mga sintomas ng pagkalason ang nagpasuri sa PGH.

Facebook Comments