Bilang ng mga pasyenteng nagpapa-confine sa PGH, bumaba matapos ang ECQ

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) na bumaba ang bilang ng mga nagpapa-admit ngayon sa PGH.

Kasunod ito ng pinairal na dalawang linggong lockdown sa National Capital Region (NCR) at sa mga karatig na lalawigan.

Sa kabila nito, inihayag ni PGH Spokesman Dr. Jonas del Rosario na puno pa rin ang kanilang pagamutan.


Bunga nito, hindi muna aniya sila tumatanggap hindi lamang ng COVID patients, kundi maging ng non-COVID patients.

Nilinaw naman ni Del Rosario sa RMN Manila na kapag ang pasyente naman ay life threatening o agaw-buhay ay kanila pa ring tinatanggap.

Facebook Comments