Bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 na naka-admit sa PGH, higit 300 na

34

Umaabot na sa higit 300 ang naitatalang bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 na nananatili ngayon sa Philippine General Hospital (PGH).

Sa datos na inilabas ng PGH, nasa 310 na pasyente ang kasalukuyang naka-admit sa kanilang mga COVID ward.


308 sa kanila ay kumpirmadong nahawaan ng virus habang ang dalawa ay hinihintay pa ang resulta ng isinagawang pagsusuri.

Nasa 4,608 naman ang bilang ng nakarekober sa COVID-19 habang 1,364 ang nasawi sa nasabing sakit.

Pumalo naman sa 6,315 ang kabuuang bilang ng naitalang COVID-19 patient na inadmit sa PGH mula ng February 2020.

Facebook Comments