Bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 na nasa PGH, umakyat muli sa higit 100

Muling pumalo sa higit 100 ang bilang ng pasyenteng may COVID-19 na nananatili ngayon sa Philippine General Hospital o PGH.

Sa datos ng PGH, nasa 107 na ang bilang ng naka-admit na COVID patient kung saan nitong nakaraang linggo ay bumaba na ito sa 90.

Lahat ng mga naitalang bilang ng naka-admit na pasyente sa PGH ay kumpirmadong kaso ng COVID-19.


Nasa 1,673 naman ang nasawi habang nasa 5,502 ang nakarekober at tuluyan nang nakalabas ng nasabing hospital.

Umaabot sa 7,322 ang kabuuang bilang ng na-admit na pasyenteng may COVID-19 mula pa noong February 2020 ng gawin itong referral hospital para sa mga indibdwal na nahawaan ng nasabing sakit.

Facebook Comments