Bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 sa PGH, patuloy na bumababa

Umaabot na lamang sa higit 200 ang bilang ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 na naka-admit sa Philippine General Hospital (PGH).

Sa datos ng PGH, nasa 216 na lamang na COVID patient ang nananatili sa PGH kung saan 213 sa kanila ay kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Tatlo sa kanila ay hinihintay pa ang resulta sa isinagawang pagsusuri.


Nasa 1,597 naman ang kabuuang bilang ng nasawi habang 5,140 ang nakarekober at nakalabas na ng hospital.

Ang kabuuang bilang naman ng na-admit na pasyente ay umabot sa 6,990 mula ng February 2020.

Sa ngayon, pinaghahandaan na ng PGH ang gagawing pagbabakuna sa mga kabataan edad 12 hanggang 17 anyos sa mga susunod na araw.

Nabatid na ang PGH ang isa mga limang hospital na napili ng National Task Force (NTF) against COVID-19 upang magsagawa ng nasabing pagbabakuna sa mga kabataan may comorbidities kasama ang Philippine Heart Center, National Children’s Hospital at dalawa pang medical centers.

Facebook Comments