Bilang ng mga personalidad na mapapasama sa drug watchlist ng PDEA, madagdagan pa

Madadagdagan pa ang mga personalidad na nasa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, 31 ang una nilang inihayag na bilang ng celebrities na kasama sa kanilang listahan.

Pero hindi pa aniya kasama rito ang mga listahan ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).


Sabi pa ni Carreon, mahigit kalahating milyon ang nasa watchlist ng PDEA kung saan bukod pa ang nasa 5,000 pangalan sa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, iginiit ni Carreon na mahigpit nilang vina-validate ang pagkakasangkot ng mga personalidad.

Facebook Comments