Bilang ng mga Pililpinong may trabaho, bumaba noong Setyembre

Bumaba ang bilang ng mga may trabaho nitong buwan ng Setyembre.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 47.67 milyon mula sa 48.07 milyon noong Agosto ang bilang ng mga may trabaho mula edad 15-anyos pataas.

Kung ikukumpara naman noong nakaraang taon sa kaparehas na buwan na nasa 95%, mas mataas pa rin ang employment rate ngayong Setyembre 2023 na nasa 95.5%.


Ang unemployment rate naman ngayong Setyembre 2023 ay nasa 4.5% na bahagyang mataas kumpara noong August 2023.

Sa datos ng PSA, nasa 2.26 milyon ang bilang ng walang trabaho na mas mataaas noong nakaraang buwan na nasa 2.21 milyon.

Ang mga underemployed naman na indibidwal o yung mga suma-sideline o part timers ay nasa 5.11 milyon mula sa 47.67 milyon na bilang ng may trabaho.

Facebook Comments