Bilang ng mga Pilipino na nabakunahan kontra COVID-19, umabot na ng higit 21 milyon ayon sa DOH

Inihayag ngayon ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa higit 21 milyon ang bilang ng mga Pilipino na nabakunahan kontra COVID-19.

Sa datos na ibinahagi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na siya ring namumuno sa National Vaccination Operations Center, nasa 21,290, 129 ang kabuuang bilang ng nabakunahan.

Aniya, 84.74% sa nasabing bilang o 1,389, 499 ay pawang mga healthcare worker na fully vaccinated na habang nasa 32. 57% o 2,693,046 ay mga senior citizen.


Sinabi pa ni Usec. Cabotaje, na nasa 28,381, 930 ang bilang ng mga bakunang na-deploy na habang inaasahan naman ngayong buwan ng Agosto ang pagdating ng higit 22 milyong bakuna kontra COVID-19 kabilang na dito ang donasyon at binili ng gobyerno at ng mga pribadong sektor.

Sa isyu naman ng pagpapatuloy ng pagbabakuna sa panahon na nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila, inihayag ni Usec. Cabotaje na hindi muna papayagan ang mga walk-in sa vaccination sites maliban na lamang sa mga indibdwal na nasa A2 priority group.

Base pa sa guidelines na napag-usapan, iminungkahi ng DOH na maiging magkaroon ng strict scheduling at pre-registration ang mga Local Government Unit (LGU) upang maiwasan na sabay-sabay magtungo sa vaccination sites.

Suspendido naman ang pagbabakuna sa mga medical center at hospital sa mga lugar na nasa ECQ.

Facebook Comments