Nananatiling mababa ang bilang ng mga nagpapaturok ng COVID-19 booster dose sa kabila ng walang palyang bakunahan sa bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH) nitong September 12, 18.6 milyon na Pinoy ang nakapagpaturok na ng unang dose ng booster shot habang 2.5 milyon pa lamang ang nakapagpaturok ng pangalawang dose.
Dahil dito, 70% ng eligible population sa bansa ang target ng ahensya na mabakunahan ng booster bago matapos ang taon.
Kaugnay nito, hinihikayat ng DOH ang publiko na magpaturok ng booster dose dahil anila ay mananatili pa rin ang banta ng virus kahit magtapos ang pandemya.
Samantala, 72.8 million na Pilipino ang nakapagpaturok na ng primary COVID-19 vaccine.
Facebook Comments