Aabot sa 50 percent ng mga Pilipino ang nagsabing magiging masaya ang kanilang Pasko sa kabila ng pandemya.
Ito na ang pinakamababa na naitala ng Social Weather Stations (SWS) sa isinagawang survey noong Nobyembre 21 hanggang 25 kung saan bumulusok ito ng a 12 puntos mula sa 62% noong 2013, 2006, at 2005.
Lumabas din sa survey na 15 percent ng mga Pilipino ang malungkot sa Pasko habang 33 percent naman ang nagsabing hindi sila masaya pero hindi rin sila malungkot.
Mayora sa mga nagsabing malungkot sila ngayong Pasko ay mula sa mga pamilyang nakaranas ng ‘involuntary hunger’ sa nakalipas na tatlong buwan, gayundin ang mga mula sa self-rated poor families o mga pamilyang nakaranas ng hirap at lumala ang kalidad ng pamumuhay.
Samantala, ang pinakanangununang plano ng mga Pinoy na gawin ngayong Pasko ay ang magsimba at kumain sa Noche Buena.