Nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng apat na panibagong kaso ng pilipinong tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa ibayong-dagat.
Bunga nito, pumalo na sa 14,791 ang bilang ng mga nagpositibo sa naturang sakit.
Ang aktibong kaso naman ay nasa 4,478.
Samantala, tatlo ang naitala na pilipinong bagong nasawi dahil sa COVID-19 sa ibayong dagat.
Kaya, ang total deaths ay umakyat na sa 1,012.
Pito naman ang naitala ng DFA na pilipinong panibagong gumaling dahil sa naturang sakit.
Bunga nito, ang total recoveries ay nasa 9,301 na.
Nangunguna pa rin ang Middle East o Africa na may mataas na bilang ng COVID-19 positive Filipinos na nasa 8,131 cases, kasunod ang Asia Pacific Region na may 2,871 cases habang ang Europe na nasa 2,926 cases, at Amerika na may 863 cases.