Bilang ng mga Pilipinong inilikas mula Ukraine, nasa 199 na ayon sa DFA

Ligtas na sa kapamahakan ang aabot sa 199 Pilipino sa Ukraine matapos ilikas ang mga ito palayo sa sentro ng digmaan.

Sinabi ito ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola kasabay ng nagpapatuloy na repatriation at relocation efforts ng gobyerno sa mga Pilipinong naipit sa Russia-Ukraine war.

Ayon kay Arriola, 63 sa mga ito ang nakabalik na sa Pilipinas habang ang 136 dito ay inilipat papunta sa kalapit na bansa sa Europa.


Sa kabila nito, mayroon pa ring ilang Filipino ang stranded o di kaya ay nananatili sa Ukraine.

Dahil dito, hinihikayat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino evacuees na tanggapin ang alok na repatriation upang hindi makipagsiksikan sa mahigit 2 milyong Ukrainan refugees sa iba’t-ibang parte ng Europa.

Samantala, kinumpirma ng United Nations na aabot na sa 474 ang bilang ng sibilyang namatay bunsod ng giyera habang 861 naman ang sugatan.

Facebook Comments