Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho nitong Enero.
Base sa preliminary results ng labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang nasa 94.8% ang employment rate.
Mas mataas ito kumpara sa 94.7% noong January 2018.
Bumaba rin ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho na mula sa 5.3% nitong January 2018 ay nasa 5.2% na ng kasalukuyang taon.
Ang underemployment rate naman ay bumaba sa 15.6% mula sa 18% noong 2018.
Inaasahang dadami pa ang trabaho sa bansa kasunod ng ipinatutupad na Build Build Build Infrastructure Projects ng pamahalaan.
Facebook Comments