Bilang ng mga Pilipinong na-repatriate mula Japan na nagpakita ng sintomas ng COVID-19, umakyat na sa 13

Umakyat na sa 13 ang bilang ng mga Pilipinong na-repatriate mula sa Japan ang nagpapakita ng sintomas ng Corona Virus Disease o COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) ASEC. Maria Rosario Vergeire, dinala na ang labing-tatlong Pinoy sa referral hospital sa Pampanga.

Sampu dito ang nag-negatibo sa virus habang hinihintay pa ang resulta ng tatlong iba pa.


Kaugnay nito, pansamantalang isinara ang isa sa pinakamalaking pamilihan sa Daegu City, South Korea dahil sa banta ng COVID-19.

Habang isinara na rin ang ilang simbahan at sa online na lang nagsagawa ng pagtitipon.

Samantala, nakapagtala na ang Armenia ng unang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments