Bilang ng mga Pilipinong nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong, umakyat na sa 106

Umakyat na sa 106 ang bilang ng mga Pilipinong nagpositibo sa COVID-19 sa Hong Kong.

Kinumpirma ito ni Hans Leo Cacdac na siyang Administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa interview ng RMN Manila kung saan walong Pilipino ang nasa ospital habang tatlo rito ang gumaling na.

Habang ang natitira ay nagpapagaling sa mga isolation facilities kung saan mahigit 40 dito ay isinailalim sa home isolation ng kanilang mga employer.


Siniguro naman ni Cacdac na kontrolado na ang sitwasyon ng mga Pilipino roon at may mekanismo na sila sa pagta-transport ng mga kababayan natin papunta sa mga isolation facilities.

Pinaliwanag naman ng opisyal na kaya nagkaroon ng biglaang pagdami ng COVID-19 positive Filipinos ay bunsod ng delay na paglabas ng kanilang RT-PCR test bago magbakasaling umuwi ng bansa.

Facebook Comments