Bilang ng mga Pilipinong nagtitiwala sa anti-drug campaign ng administrasyong Duterte – bumaba

Manila, Philippines – Hindi umano nababahala ang Malacañangsa pagbaba ng bilang ng mga pilipinong nagtitiwala sa anti-drug campaign ngadministrasyong Duterte.
  Base kasi sa SWS survey na ginawa noong March 25 hanggang28, nasa positive 66 percent na lamang ang public net satisfaction rating nanakuha ng administrasyon mula sa dating positive 77 percent noong hulingquarter ng taong 2016.
  Pero ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella –kahit bumaba ang rating, marami pa rin sa mga Pilipino ang natitiwala saanti-drug campaign ng pangulo.
  Aniya, sa kabila ng mga batikos na natatanggap ngadministrasyon, mayorya pa rin ng mga Pilipino ang nagsabing kuntento pa rinsila sa hakbang ng gobyernong masugpo ang iligal na droga sa bansa.
 
 
 

Facebook Comments