Bilang ng mga Pilipinong nakapagrehistro para sa step 1 ng National ID, umabot na sa 28 milyon

Umabot na sa 28 milyong Pilipino ang nakapagrehistro sa bansa para sa step 1 ng pagkuha ng National ID.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant Secretary Rosalinda Bautista, ito ang mga nakakuha ng demographic characteristics at ang pag-iskedyul kung kailan pupunta sa isang registration center para sa biometric capture.

Kasama sa 28 milyong nagparehistro ang mga nasa Metro Manila kung saan isa sa malaking hamon ay ang pag-capture ng biometrics ng mga nagpaparehistro.


Ngayong buwan naman mag-uumpisa ang mga ito ng institutional registration kung saan sila mismo ang pupunta sa mga private at government institution para magrehistro.

Layon ng National ID na mapadali ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko at mabigyan ng pagkakataon ang mga low-income families na makapag-bukas ng kanilang mga bank account.

Matatandaang aabot sa 70 milyong mga Pilipino ang tinatarget ng PSA na makapagrehistro para sa taong ito.

Facebook Comments