Bilang ng mga Pilipinong nakararanas ng gutom, bumaba – SWS Survey

Umabot sa apat na milyong pamilyang Pilipino ang nakararanas ng gutom.

Batay sa November 2020 survey ng Social Weather Stations (SWS), 16% o tinatayang apat na milyong pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger o gutom dahil sa kawalan ng makakain.

Mababa ito kumpara sa record-high na 30.7% (7.6 million na pamilya noong Setyembre).


Ang average hunger naman para sa buong taon ay bagong record na nasa 21.1%

Ang Metro Manila ang may mataas na hunger incidence na nasa 23.3% o tinatayang 780,000 na pamilya, kasunod ang Mindanao na nasa 16%, Balance Luzon (14.4%) at Visayas (14.3%).

Kung hihimayin ang 16% hunger rate nitong Nobyembre, 12.6% o 3.1 million na pamilya ang nakaranas ng Moderate hunger o nakaranas ng gutom ng isang beses o kaunting pagkakataon sa nagdaang tatlong buwan.

Nasa 3.4% o 838,000 na pamilya ang nakaranas ng severe hunger o madalas o palaging nakararanas ng gutom.

Ang survey ay isinagawa mula November 21-25 sa 1,500 respondents.

Facebook Comments