Wala pa sa kalahating porsyento ng mga Pilipino ang nakatanggap na ng kahit isang doses lamang ng bakuna kontra COVID-19.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 35% pa lang ng mga Pilipino ang nakatanggap ng kahit unang dose ng bakuna.
Sa bilang na ito, 17.7 million o 25% ang nakatanggap na ng ikalawang dose o yung mga fully vaccinated habang 10% ang unang dose pa lamang ang natanggap.
Pinakamarami sa mga nabakunahan ay nagmula sa Metro Manila na may 71%, sinundan ng Luzon (36%), Mindanao (25%) at Visayas na may 21%.
Kung sa usapin naman ng lebel ng edukasyon, karamihan sa mga nabakuhan ay mga college graduates na nasa 49%, sinundan ng high school graduates (37%), elementary graduates (31%) at non-elementary graduates na nasa 23%.
Ang survey ay isinagawa mula sa September 27 hanggang 30 kung saan aabot sa 1,500 respondents ang lumahok.