Bilang ng mga Pilipinong naniniwala na nasa tamang direksyon ang bansa sa ilalim ng Marcos administration, bumaba – ayon sa OCTA

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagsabing nasa tamang direksyon ang tinatahak ng bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay matapos lumabas sa 2023 First Quarter Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research na 76% ng mga Pilipino ang naniniwalang nasa tamang direksyon ang bansa sa Marcos administration.

Mas mababa ito sa naitalang 85% sa kaparehong survey noong huling quarter ng 2022.


Sa kabila nito, nananatiling mataas ang mga naniniwala sa kasalukuyang administration mula sa Visayas na nasa 87% habang sa National Capital Region naman naitala ang pinakamababang 59%.

Nakuha pa rin Marcos admin ang pulso ng mga nasa Class D o working class na may 78% habang sinabi ng OCTA na hati ang pulso ng mga nasa middle hanggang upper class sa pamumuno ng pangulo.

Isinagawa ang survey noong March 24 hanggang 28 kung saan 1,200 adult Filipino respondents ang sumagot.

Facebook Comments