Pumalo na sa 3.6 milyon ang mga manggagawang Pilipino na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Batay sa regular job displacement monitoring report ng Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 3.3 milyong manggagawa ang naapektuhan ng Flexible Work Arrangement (FWAs) o temporary closures ng mga establisyemento mula Marso hangang ika-11 ng Oktubre.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, karamihan sa affected workers ay temporary lay-off at inaasahang kukunin din ng kanilang mga employer sa susunod na mga buwan.
Maglalabas din ng kautusan ang DOLE sa mga kumpanya na palawigin pa ang six-month period para sa pagre-hire sa mga temporarily terminated workers.
Facebook Comments