Umabot na sa limang milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), nitong fourth quarter ng taong 2020 nadagdagan ng 12.7 milyon ang bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho.
Kasama rito ang mga empleyadong pansamantalang tinanggal at ang mga naapektuhan ng flexible working arrangements.
Sa ngayon, humihingi na ang DOLE ng 40 bilyong pisong budget para sa 2021 na magiging tulong sa mga nawalan ng trabaho pero hindi pa ito naaaprubahan.
Facebook Comments