Bilang ng mga Pilipinong turista na umaalis ng bansa, nananatiling mababa sa kabila ng pagluluwag ng restrictions

Nananatiling mababa ang bilang ng mga umaalis na Pilipinong turista sa kabila ng pagluluwag ng departure restrictions.

Nabatid na pinayagan na ng pamahalaan ang non-essential travel ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Sa datos ng Bureau of Immigration (BI) mula kahapon, nasa 95 Pilipino pa lamang ang umalis sa ilalim ng tourist visa mula sa kabuuang 1,172 Pilipino.


Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nangangahulugan lamang ito na marami pa ring biyahero ang may alinlangang magtungo abroad dahil sa pandemya.

Umaasa si Morente na dadami ang bilang ng mga aalis ng bansa pagsapit ng holiday season.

Muli ring nilinaw ni Morente na walang pagbabago sa arrival restrictions.

Sa kasalukuyan, ang mga Pilipino ang kanilang asawa at menor de edad na anak ang papayagang pumasok sa Pilipinas na may hawak na tourist visas.

Pinapayagan pumasok sa bansa ang foreign children na mayroong special needs sa mga Pilipino, foreign parent na mayroong anak na menor de edad na Pilipino at foreign parent ng isang batang Pilipino na may special needs.

Ang mga pinapahintulutang pumasok sa bansa ay kailangang makakuha ng entry visa mula sa mga embahada o konsulada ng Pilipinas.

Facebook Comments