Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Marso.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 2.42 million ang jobless Filipinos noong March na mas mababa sa 2.47 million na naitala noong Pebrero.
Paliwanag ni National Statistician at PSA Chief Claire Dennis Mapa, nagsimulang bumuti ang unemployment situation sa bansa mula nang magluwag sa COVID-19 restrictions.
Sa kabila nito, bahagya ring bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nasa labor force.
Nasa 48.58 million ang may trabaho nitong Marso, mas mababa sa 48.80 na naitala noong Pebrero.
Ang sektor na may pinakamalaking pag-angat sa employment noong Marso ay transportation and storage habang pinakamalaki ang pagbaba sa agriculture and forestry.
Samantala, bumaba rin ang underemployment rate o mga nagtatrabahong hindi akma sa kanilang tinapos sa 11.2%, pinakamababa sa nakalipas na 18 taon.