Bumaba ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho nitong buwan ng Mayo.
Batay sa Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority, naitala ang 2.17-million unemployed Filipinos na may edad labing-limang taong gulang pataas.
Mas mababa ito sa 2.26-million jobless Filipinos na napa-ulat noong April 2023 at sa 2.93-million unemployed Filipinos noong May 2022.
Ayon kay PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ito ang pangalawa sa pinamababang naitalang unemployment rate simula April 2005.
Facebook Comments