Mas maraming Pilipino ang nakahanap ng trabaho noong mayo kasunod ng dahan-dahang pagluluwag sa quarantine restrictions.
Sa datos ng Philippine Statistic Authority (PSA), bumaba sa 7.7% ang unemployment rate noong Mayo kumpara sa 8.7% na naitala noong Abril.
Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, katumbas ito ng 3.37 milyong Pilipinong walang trabaho na edad 15-anyos at pataas na mas mababa kumpara sa 4.14 milyon noong Abril.
Nasa 12.3% naman ang underemployment rate noong Mayo o katumbas ng 5.49 milyong Pilipino na nagnanais na magkaroon ng mas mahabang oras na pagtatrabaho o mas magandang job opportunities.
Kabilang naman sa mga nangungunang dahilan kung bakit hindi nakakapasok sa trabaho ang mga employed individuals ay ang variable working time, klase ng trabaho, lockdown at health/medical limitations.