Naniniwala ang isang labor group na hindi lamang aabot sa 3.8 milyong mga Pilipino ang walang trabaho noong Agosto.
Ayon kay Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay, posibleng doble pa nito ang bilang ng mga walang trabaho sa buong bansa.
Paliwanag niya, hindi naman kasi lahat ng sektor ng mga manggagawa ay nasasakop ng survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon pa kay Tanjusay, dismayado sila dahil hindi lahat ng nawalan ng trabaho ay naayudahan ng pamahalaan.
Samantala, kahit dumami ang mga Pilipinong walang trabaho noong Agosto, kumpiyansa si Tanjusay na sisipa muli ang employment rate ng bansa sa panahon ng eleksyon.
Facebook Comments