Kasabay ng unti-unting pagbuti ng ekonomiya kasunod ng pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, dumarami na ngayon ang mga Pilipinong nagkakatrabaho.
Batay sa tala ng Philippines Statistic Authority (PSA), nasa 3.27 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Disyembre 2021 pero pagpasok ng Enero 2022 ay 2.93 milyong Pilipino nalang ang walang trabaho.
Kabilang sa mga sector na nakatulong sa pagbaba ng unemployment rate ay ang manufacturing; administrative, support service activities; wholesale and retail trade of vehicles; transport & storage; public administration, defense as industries.
Samantala, sa buong bansa nasa 6.4% lang ang unemployment rate nitong ngayong buwan mas mababa kumpara sa 6.8% na unemployment rate noong Disyembre 2020 o bago matapos ang taon.