Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Hulyo, bumaba – PSA

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Hulyo.

Ayon kay National Statistician at Philippine Statistics Authority Chief Claire Dennis Mapa, 2.27 million ang walang trabaho noong Hulyo, mas mababa sa 2.33 million noong June gayundin sa 2.60 million jobless Filipinos sa kaparehong panahon noong 2022.

This slideshow requires JavaScript.


Ibig sabihin, 48 sa 1,000 indibidwal sa labor force ang walang trabaho o negosyo noong Hulyo.

Ang unemployment rate noong July na 4.8% ay ang pinakamataas rin sa loob ng nakalipas na limang buwan.

Samantala, sa kabila ng pagbaba ng bilang ng unemployed persons, bumaba rin ang mga employed individuals sa 44.63 million noong July mula sa 48.84 million noong Hunyo.

Habang tumaas din sa 15.9% ang underemployment rate noong Hulyo o katumbas ng 7.10 million na mga indibidwal na nagnanais ng karagdagang oras sa trabaho o dagdag na pagkakakitaan.

Facebook Comments