Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Hunyo, bahagyang tumaas!

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa sa gitna ng mahigpit na quarantine restrictions dahil sa COVID-19.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), aabot sa 3.76 million ang walang trabaho noong Hunyo, mas mataas sa 3.73 million noong Mayo.

Gayunman, nananatili sa 7.7% ang unemployment rate sa bansa na pangalawang pinakamababa simula April 2020 matapos na maitala ang 7.1% noong March 2021.


Matatandaang sa unang kalahating buwan ng hunyo ay nakasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” ang NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Facebook Comments