Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Setyembre, tumaas – PSA

Bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa nitong Setyembre.

Batay sa Labor Force survey na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), umakyat sa 8.9% ang unemployment rate sa bansa noong Setyembre kumpara sa 8.1% noong Agosto.

Katumbas ito ng 4.25 milyong Pilipinong walang trabaho.


Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, ito na ang pinakamataas na unemployment rate ngayong taon.

Naniniwala naman si Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na magiging maganda na ang labor outcome sa Oktubre.

Sa kabuuan, nasa 1.1 million employment ang nalikha sa kabila ng pandemya na aniya’y senyales ng patuloy na pagbangon ng ekonomiya.

Batay pa sa pagtaya ng National Economic and Development Authority (NEDA), kahit aabot sa P41.4 trillion ang malulugi sa susunod na 40 taon dahil sa pandemya, maaari pa ring kumita ang bansa ng P3.6 billion kada linggo.

Mababawasan din ang unemployment ng 16,000 oras na ibaba na ang NCR sa Alert Level 2.

Facebook Comments