Bumaba pa ang bilang ng mga Pilipino na ayaw magpabakuna kontra COVID-19.
Batay ito sa OCTA Research Group Tugon ng Masa survey na isinagawa noong December 7 hanggang 12 ng nakaraang taon.
Sa survey, tanging limang porsyento na lang ng adult Filipino ang ayaw magpabakuna kontra COVID-19.
Ito ay mas mababa kumpara sa 22 percent na naitala noong September 2021.
Nananatili namang mataas ang vaccine hesitancy sa Visayas at Mindanao na nasa tag-siyam na porsyento at sinundan ng National Capital Region at Balance Luzon na nasa tag-tatlong porsyento.
Facebook Comments