Bilang ng mga Pinoy na gumaling, binawian ng buhay at nagpapagaling sa COVID-19 sa abroad, bahagyang tumaas

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bahagyang tumaas ang bilang mga Pilipino sa abroad na nagpapagaling, gumaling at binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, 22,906 na mga Pinoy na sa ibayong dagat ang na-infect ng virus matapos ang 193 na bagong kaso.

12,928 naman ang kabuuang gumaling matapos madagdagan ng 120 na bagong recoveries.


Ang total deaths naman ay 1,369 matapos na dalawa pang overseas Filipinos ang binawian ng buhay.

8,609 naman ang patuloy pang nagpapagaling sa sakit.

Facebook Comments