Bilang ng mga Pinoy na may CKD, nasa mahigit 7-M na

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa mahigit 7 milyong mga Pilipino ang may Chronic Kidney Disease o CKD.

Ayon kay Dr. Vimar Luz, treasurer ng Philippine Society of Nephrology at Head ng STOP CKD Campaign, isang Pilipino ang nagkakaroon ng nasabing sakit kada oras.

Sa pag-aaral ng National Kidney and Transplant Institute o NKTI, nadiskubre na tumataas din ang bilang ng mga taong nangangailangan ng dialysis.


Sinabi pa ni Dr. Luz na diabetes at hypertension ang pinakakaraniwang dahilan kung bakit nasisira ang kidney o bato ng tao.

Sa nakalipas na sampung taon, ang kidney disease aniya ay nasa top 10 ng sakit na maaring ikamatay ng isang pasyente.

Kalimitan aniyang walang sintomas ang mga early kidney disease.

Ayon pa kay Dr. Luz, maaaring malaman kung pumapalya na ang bato sa pamamagitan ng laboratory test kung saan aalamin ang lebel ng serum creatinine at kung mababa ang glomerular filtration rate o eGFR o kung maayos pang nasasala ng kidney ang waste products sa katawan.

Facebook Comments