Tumaas ang bilang ng mga Pinoy na nagbubukas ng kanilang bank account.
Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umakyat ng 6.8 percent ang bilang ng deposit accounts sa bansa.
Mula sa 53.5 million accounts noong 2016, umakyat pa ito sa 57.1 million noong 2017.
Ayon sa BSP, bunga ito ng patuloy na paghikayat nila sa publiko na magbukas ng deposit account sa mga bangko kung saan bumaba din ang bilang ng mga unbanked local government units mula sa 582 noong 2016 ay 554 na lang noong 2017.
Facebook Comments