Bahagyang bumaba ang bilang ng mga pinoy na naghihirap sa bansa.SA datos ng Philippine Statistics Authority noong unang quarter ng 2015 – bumaba ng 26.3 percent ang official poverty incidence ng pilipinas.May bahagya rin itong pagbuti kung ikukumpara sa parehong petsa noong 2012 kung saan nakapagtala ng 27.9 percent.Ayon sa National Economic And Development Authority o NEDA, halos isa sa apat na pamilyang pilipino lamang ang maituturing na mahirap sa first semester noong 2015.Sinabi naman ni Socioeconomic Planning Secretary Emmanuel Esguerra, na ang poverty incidence sa nasabing panahon ay pinakamababa sa mga ginawang family income and expenditure surveys mula 2006.Malaki anyang dahilan sa pagbabagong ito ay ang Programang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4ps) ng pamahalaan para sa mga mahihirap na pilipino.
Bilang Ng Mga Pinoy Na Naghihirap, Bumaba
Facebook Comments