
Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing gumanda ang kanilang buhay.
Base sa 2nd quarter 2019 survey ng Social Weather Stations (SWS), 36% ng mga Pilipino ang bumiti ang buhay habang 22% naman ang nagsabing mas lumala pa sa nakalipas na 12 buwan.
Katumbas ito ng “very high” net gainers score na +13, mababa kumpara sa +17 noong Marso.
Lumabas din sa survey na 46% ng mga Pilipino ang kumpiyansang gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, 4% naman ang nagsabing mas papangit lamang, katumbas ng net personal optimist score na +42.
Bumaba rin ang net economic optimistic score sa +33, mababa sa +35 noong Marso.
Ginawa ang survey mula June 22 hanggang 26 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents.
Ang survey ay non-commissioned.









