Bilang ng mga Pinoy na nagugutom, bumaba

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing sila ay nagugutom.

Batay sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS), nasa 8.9% ang nakararanas ng moderate hunger habang 1.5% ang nagsabing sila ay nakararanas ng severe hunger.

Sumatutal aabot lamang sa 10.5% o 2.4 million na mga Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger o nakaranas ng gutom dahil sa kawalan ng makakain nitong Disyembre 2018.


Mababa kumpara sa 13.3% na naitala noong Setyembre.

Kung hihimayin, bumaba ang bilang ng mga nagugutom sa Mindanao na may 8.3% mula sa dating 18.3% at sa balance Luzon na may 9.7 mula sa 12.7.

Tumaas naman ang nagsabing nakaranas sila ng gutom sa Metro Manila mula sa dating 17.3 ay naging 18.3, maging sa Visayas na sa dating 6.0% ay ngayon nasa 9.2%

Facebook Comments