Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umaabot na sa 182 na mga Pilipino ang nakalabas na ng Afghanistan.
Ito ay matapos na makaalis na rin ng Kabul ang 7 iba pang mga Pinoy.
Sa ngayon, 27 na lamang ang mga Pilipinong nasa Afghanistan kung saan 17 sa mga ito ang naghihintay na ng kanilang evacuation.
Ayon sa DFA, nagpasya naman ang sampung iba pa na manatili na muna sa Afghanistan sa harap ng kaguluhan doon.
Anila, marahil ay nanghihinayang ang mga ito sa kanilang sinasahod doon.
Facebook Comments