Kinumpirma ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na umaabot na sa 55 na mga Pilipino ang nailikas ng Philippine Embassy sa shelter sa Ankara, Türkiye.
Ito ay matapos na matunton ang mga ito mula sa mga lugar na higit na naapektuhan ng malakas na lindol doon.
Ayon kay Usec. De Vega, wala naman sa mga nailikas na Pinoy ang nais na umuwi ng Pilipinas.
Pawang Turkish residents aniya kasi ang mga ito at ilan sa kanila ay nakapag-asawa na ng Turkish.
Humingi na rin ng tulong ang Philippine Embassy sa Turkish authorities para sa isang Pilipino at kanyang mga anak na nawawala sa pagguho ng kanilang tinitirahan sa Hatay City.
Kinumpirma naman ni De Vega na ngayong linggo ay dadating sa bansa ang labi ng isa sa dalawang Pinay na nasawi sa lindol sa Türkiye.